(Appetizer) Pampagana muna: ano ang naiisip mo sa salitang "pokpok"?
Ito ba:
o ito?
*mula sa http://www.flickr.com/photos/48345595@N08/4699455988/
Sa pinanuod naming palabas na itinanghal
ng ENTABLADO na nagngangalang R.I.P., nabighani ako mismo sa istorya at palabas
ngunit may isang bagay ang nakahuli sa aking mata, tainga, at atensyon at iyon
ay ang paglalaro ng mga aktor ng kanilang mga salita.
Paglalaro
ng salita? Ito ay ang paggamit ng mga aktor ng piling salitang nababagay sa
kanilang pangungusap para mag-iba ang ibig sabihin ng salitang ito. Sa tingin
ko, nagdedepende sa kultura ng mga tao kung maiintindihan ba nila ang mga iba’t
ibang salita na nagkakaroon ng dalawang ibig sabihin sa dula.
Ang
isang hailimbawa ng paglalaro ng salita o ang paggamit ng salitang may dalawang
kahulugan ay ang linyang “Nabilaukan ako sa mabalahibo mong okra” na sinabi ni
Toming sa dula. Habang sinabi niya ito, nagtawanan ang mga tao at isa na ito sa
mga senyas na may kakaibang ibig sabihin ang ilang salita sa pangungusap na ito
dahil walang nakakatawa kung babasahin mo ito ng literal. Para sa akin, napakahusay
kung paano niya ito sinabi dahil sinabi niya ito na parang wala na itong iba
pang kahulugan pero para sa mga manonood, katulad ko, mayroon pa at kaya kami
natawa. Swak na swak na sabihin ni Toming ang mga ganiyang bagay dahil alam ng direktor
at ng gumawa ng iskrip na ang mga manonood (mga estudyante) ay lumaki sa isang
komunidad na nalalamang ang okra ay isa pang salita na nangangauhulugang titi o
ang pribadong bahagi ng isang lalaki. Ang iba sa mga tao na marunong managalog ay
natutunan nang makagawa ng isang imahen sa utak nila gamit lamang ang mga
letrang ginamit sa salitang “Okra”. Kapag ginamit ang salitang okra sa iba pang
pangungusap, maiintindihan ng mga manonood ang salita na ito bilang isang gulay
ngunit kapag ginamit ito sa isang pangungusap kagaya ng “Nabilaukan ako sa
mabalahibo mong okra”, nag-iiba na ang kahulugan nito para sa mga manonood.
Ang
iba pang halimbawa na ginamit sa R.I.P. ay “Ano ang tunog ng martilyo? Pokpok!”
Malakas na halakhak ang natanggap ni Toming mula sa mga manonood noong sinabi
niya itong linya na ito. Maaaring literal na tunog ng martilyo lamang ang
sinasabi ni Toming ngunit to rin ay maaaring maging isang salita na nangangahuluhang “babaeng
puta” at ito’y nakagawian na natin sa ating kultura dito sa Maynila. Masasabi
kong mas inisip ng mga nanonood ang kahulugan ng pokpok bilang “babaeng puta”
kaysa sa tunog ng martilyo dahil tumawa ang mga nanonood at dahil wala namang
nakakatawa kapag sinabi lamang ni Toming ang tunog ng martilyo. Kagaya ng
salitang “okra”, dahil sa kultura kung saan lumaki ang mga manonood o mga
estudyante, napupukaw sa mga isip nila ang imahen ng isang babaeng puta mula
lamang sa mga letrang bumubuo ng salitang “pokpok.” Sa tingin ko, itong
ikalawang imahen (ang babaeng puta) ng salitang “pokpok” ay lumabas sa mga utak
ng manonood, pati sa akin, dahil na rin sa konstruksyon ng pangungusap na
ginamit ni Toming.
---------------------------------------
Batay sa linguistic sign ni
Ginoong Ferdinand de Saussure, sinabi niya na ang wika ay binubuo ng mga signs at ang bawat sign ay may signified
at signifier. Ang signifier ay ang
mismong salita at ang signified ay ang konsepto ng salita. Dapat palaging
magkasama ang dalawang ito sa isang salita. Sinabi rin niya na walang tiyak na
relasyon ang signifier at ang signified dahil maaring magkaroon ng iba’t ibang
signified ang isang signifier batay sa kultura ng taong nagbabasa o umiintindi
sa salitang ito. Para sa aking kalagayan, ang aking signifier ay ang salitang “okra”
na ginamit ko kanina at ang signified nito ay marami. Kung ginamit lamang ito
sa pangungusap na “kakain ako mamaya ng okra”, ang signified nito ay isang
pagkain lamang. Kung ginamit naman ito sa pangungusap na “Nabilaukan ako sa
mabalahibo mong okra”, ang signified nito ay nagiging pribadong bahagi ng
isang lalaki. Maaaring nakatulong ang mga salitang “nabilaukan” at “mabalahibo”
para maging signified sa salitang “okra” ang pribadong bahagi ng lalaki dahil medyo
nagiging malaswa ang ibig sabihin ng okra dahil sa mga salitang ito. Kagaya ng
sinabi ko kanina, nahalata kong ang signified para sa salitang “okra” at “pokpok”
ay malalaswa kagaya ng “babaeng puta” at ang pribadong bahagi ng lalaki dahil
tumawa ang mga tao sa mga bahaging ito dahil ang mga ganitong bagay ay hindi
natatangi sabihin sa isang publikong palabas kung saan kahit sino ay maaaring
manood.
---------------------------------------
Maaari
ring makita sa mga imahen ang isang bagay kung saan maaaring dalawa ang ibig sabihin
nito. Ang isang halimbawa ay ang larawang ito:
*mula sa http://www.flickr.com/photos/xtaongbundok/2658174142/
Makikita na ito’y isa lamang pangalan
ng eskuwelahan ngunit ako’y natawa dahil ito’y hindi isang karaniwang pangalan
ng isang eskuwelahan. Nag-iiba ang signified ng salitang “inuman” na dapat ay
isang pangalan ng eskuwelahan. Para sa akin, ang salitang “inuman” ay
nangangahulugang mga taong umiinom ng alak at kaya siguro'y natawa ako sa larawang ito.
Sa
isang bidyo naman, maaari ring matagpuan ang mga salitang may dalawang kahulugan
at ito ang aking halimbawa. Ito ang kantang Please Don’t Touch My Birdie ng
Parokya ni Edgar:
*mula sa http://www.youtube.com/watch?v=8Bf-5S_60Kw
Maaaring ang salitang “birdie” ay
isang salita na nangangahulugang isang ibon lamang ngunit para sa iba, ang ibig
sabihin nito ay ang pribagong bahagi ng lalaki. Nagiging pribadong bahagi ng
lalaki ang signified nito dahil kung papaano kinakanta ni Ginoong Chito Miranda,
ang kumakanta para sa Parokya ni Edgar, ang kantang ito. Sa tingin ko, maaari
ring nagiging malaswa ang ibig sabihin nito dahil kung papaano sinulat ang
kanta, may mga iba pang mga pangungusap na tumutulong maging malaswa ang ibig
sabihin ng kanta katulad ng pangungusap na “Ang birdie ko ay medyo masungit,
kaunting hawak lang siguardong magagalit!” Dahil dito napapalitan sa akin ang
ibig sabihin ng salitang “Birdie” sa kantang ito ng panandalian.
Mapa-teatro,
imahen, o kanta man, hindi maiiwasang magkaroon ng dalawang kahulugan ang ilang mga salita. Ito’y bahala na sa mga magtatanghal o kakanta kung ang gusto ba
nilang kahulugang ipadating sa atin ay ang literal na kahulugan o iba pang
kahulungan na mas malalim pa rito. Nakasalalay sa kanila kung papaano nila
sasabihin, ipapakita, ipaparamdam at ilalahad ang salita sa atin, mga manonood, at nakasalalay naman sa atin kung paano natin ito iintindihin at tatanggapin.
Geronimo Miguel M. Mantes
Fil12-DD
Ginoong Edgar Samar
----------------------------------------
Mga Sanggunian:
1. zoofythejinx, "Hammer," Flickr image, http://www.flickr.com/photos/zoofythejinx/255395476/ (accessed January 22, 2012).
2. 48345595@N08, "Sexy-Lady-in Lehrer Outfit," Flickr image,
http://www.flickr.com/photos/48345595@N08/4699455988/ (accessed Januarry 22, 2012).
3. "Sign (Linguistics)." Wikipedia, 15 January 2012, http://en.wikipedia.org/wiki/Sign_(linguistics) (accessed January 22, 2012).
4. xtaongbundok, "Inuman Elementary School," Flickr image, http://www.flickr.com/photos/xtaongbundok/2658174142/ (accessed January 22, 2012).
5. TodashDarkness, "Please Don't Touch My Birdie," YouTube video, 5:23, http://www.youtube.com/watch?v=Jb5xs-u5mvU (accessed January 22, 2012).
6. "Please Don't Touch My Birdie Lyrics," Metrolyrics, http://www.metrolyrics.com/please-dont-touch-my-birdie-lyrics-parokya-ni-edgar.html (accessed January 22, 2012).
No comments:
Post a Comment